^

Para Malibang

Kaluluwa ni Kobe Bryant, nakausap ng isang espiritista?!

MRYOSO - Pang-masa

Mag-iisang buwan na mula nang pumanaw sa isang helicopter crash ang basketball star na si Kobe Bryant kasama ang anak niyang si Gianna Bryant at pito pang mga nasawi.

Marami ang nagulat at nalungkot sa nangyari dahil napakabait daw ni Kobe.

Kadalasan, kapag nawawala na ang isang tao sa mundong ibabaw, ang isang pinakamalaking tanong natin ay saan na tayo mapupunta? Totoo bang may langit at impyerno?

Nakatawag ng pansin ang isang video sa YouTube Channel na Hope Paranormal White Light na may title na Kobe Bryant – INSANE Spirit Session.

Mapapanood rito na nakausap ng isang paranormal expert diumano si Bryant sa mismong araw ng kanyang pagkawala (January 26, 2020) gamit ang isang device na parang isang maliit na speaker.

Hindi raw talaga gawain ng expert ang makipag­komunikasyon sa mga namayapa nang celebrity, pero meron daw na malakas na enerhiya siyang nararamdaman kaya kinausap niya ito.

“He knows you’ll help,” mga unang salitang lumabas sa speaker na mula sa boses ng isang babae.

Maririnig din ang parang ingay ng isang bumagsak na sasakyan at nagkakagulo sa background. Lumabas din ang salitang “Sikorsky”, yun ang helicopter na kanilang ginamit bago bumagsak.

Tinanong ng expert kung nasa langit na ba sila at kung nakita na ba nila ang Diyos, sumagot ang isang boses ng lalaki, “were sitting here… and yes I’ve met God.”

Ayon sa kanilang pag-uusap, kinailangan na rin daw na sumunod ni Kobe kay Gianna dahil alam niyang mas kailangan siya nito.

Sa pagtatapos ng kanilang session, “Tell Vanessa I’m sorry,” at “We’ll close this... Did you hear me, I’m done,” ang mga huling salitang narinig sa speaker.

Si Vanessa Bryant ay ang nabiyudang asawa ni Kobe kung saan may naiwan siyang tatlo pang mga anak.

Ayon sa mga nakapanood, kinilabutan daw sila, dahil nung nabubuhay pa si Kobe, ganung-ganun daw ito kung magsalita.

 

vuukle comment

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with