^

Para Malibang

One day love romance ng mag-asawa

Pang-masa

Ang Valentine’s Day ay isang 24-hour romance na may pa-red roses, candle light, at love ‘di ba? Ang iba ay hindi alam kung kailan sila hu­ling nabigyan ng isang dosenang rosas ng kanilang mister. Pero hindi ibig sabihin ay ‘di na romantic si hubby. Ang lalaki ay may kanyang moment ng diskarte. Kung walang roses tiyak ay nagyaya si mister ng dinner upang ipaalala na hindi pa rin nakalilimot ang asawa.

Kung talagang simpleng lumipas lang ang Araw ng mga Puso na hindi ibig sabihin ay ‘be-all at end-all’ bilang final judgment ng romance level ng mag-asawa. Kung nakalimutan din ni misis na magbigay ng card, ipakita pa rin kung gaano siya ka-special kahit sa isaang daang beses sa maliliit na paraan na hindi naman big deal ‘di ba? Kung hindi rin nakatanggap ng bulaklak mula kay mister dahilan ba ito para manlamig sa asawa? Pero kung nanatili pa rin siyang faithful at mapagmahal na husband, aba ay busugin pa rin si hubby sa natitirang 316 days ng taon. Puwede pa rin bumawi si mister na siya naman minsan ang maghugas ng mga pinggan lalo na kung pagod na si misis pagkatapos tulungan ni mother sa mga assignment ang mga bata. Nakaidlip na si misis at pagkagising ay wala na si mister dahil panggabi ang work nito. Pero inihanda na ni mister ang paboritong tasa ni misis sa mesa kahit hindi na sila nakapag-celebrate nung Araw ng mga Puso.

Ang romance ay hindi lang one day affair sa loob ng isang taon. Sa halip ay mutual na love at respeto ng anumang araw sa kalendaryo. Ang simpleng paghahanda ng paboritong mug ni misis ay walang katumbas na halaga kahit pa ng rosas. Dahil ang nakalipas na February 14 ay isang araw lang. Ang totoong romance ng isang relasyon ay ang mga bagay na puwede pa ring gawin pagkatapos ng Valentine’s Day.

vuukle comment

VALENTINES DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with