Travel o shopping?
ANGAS NG BAE (Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

“Personally gusto ko talaga ay travel. Kaso nga ‘di hamak na mas magastos ito sa shopping. Kaya minsan naiisip ko mas okay ang shopping kasi nakikita at nahahawakan mo pa rin yung binili mo kumpara sa travel na after that experience eh wala na.” Mike, Makati

“Travel. Sabi nga sa kasabihan, invest in memo­ries not in possession kaya para sa akin, mas okay pa rin ang travel. Ayun lang. Para kapag tumanda ka, marami kang memories na maaalala. Lalo na kapag may pictures ka. Kaya mas gusto ko talaga ang travel.” Lorenz, Antipolo

“Depende yan. Minsan kasi puwede mo naman pagsabayin. Kung may budget why not mamili ka kung saan ka nag-travel para may remembrance. Kaso lang mas mahal ta­laga yun.” Lhar, Caloocan

“For me kasi, mahilig ako mag-shopping at duon ako sumasaya kaya para sa akin talaga, travel. Ayun. Masaya rin kasi sa pakiramdam yung nakakapag-shopping ka kumbaga doon ko nae-express yung pagmamahal sa sarili na sinasabi nila. Haha. Kaya ayun, mas gusto ko ang sapatos kesa sa travel.” Mel, Bicutan

“Mahirap ang buhay ngayon. Gustuhin mo man bumiyahe eh kung ‘di mo naman afford eh wala rin. Ganun din sa shopping. Minsan kasi pang mayayaman lang yung ganyan. Ang mahihirap ang iniisip ay pang-ulam kinabukasan. Mapapa-sana all ka na lang kung travel o shopping eh.” Vinse, Sampaloc

TRAVEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with