Zombie Family (334)
Gilda Olividado (Pang-masa) - January 28, 2020 - 12:00am

MASAYA na uli ang pamilya kahit awkward sila dahil kay Nikolai.

Nang bigla na lang maramdaman ni Herman na may kung anong puwersang manggagaling sa napakatibay nilang bubong.

“Umalis tayo dito! Umalis tayo ngayon din!”

“What? Why, Herman?”

“Huwag tayo dito! May babagsak!”

Hindi na nagtanong na sumunod si Laurice at dalawang bata sa sinabi ni Herman.

Silang apat ay mabilis na tumakbo palayo sa salas.

Hinila sila ni Herman sa silid ng anak nila. “We’ll stay here.”

“For what reason?”

“Laurice, nang ipagawa natin ang silid ng mga anak natin, tiniyak natin na napakatibay nito. Parang safety fortress for them. Na kahit sino mang gusto silang saktan ay hindi makakapasok. So dito tayo safe. Hindi siya basta makakapasok.”

“Herman, sino ba kasi ‘yon?”

“Let’s get inside first. Wawarakin niya ang roof, ang ceiling to enter our house. Dali, pasok na!”

Takbong pumasok silang apat.

Saka nila narinig ang napakalakas na tunog. Ang bubungan nila na hindi yari sa ordinaryong yero ay parang pinunit lang ng isang napakalakas na nilalang.

“Huwag n’yo nang tingnan, magkakandado na tayo!”

Kabisado ni Herman paano isara na may maximum security ang silid ng anak.

Agad ginawa.

Muntik nang umabot ang flying zombie na sumugod agad sa nila-lock na pinto.

Nahuli siya.

Tumama pa ang butas-butas at nabubulok na mukha sa steel door ng silid. May napingas sa pisngi ni Leilani dahil sa impact.

“AAAAAHHHHHH! HINDI KAYO MAKAKATAKAS! PAPATAYIN KITA, LAURICE! HINDI KA NA MAPAPAKINABANGAN NI NIKOLAI DAHIL PATAY KA NAAAA!”

Sound proof ang silid, hindi narinig ni Laurice ang isinigaw ni Leilani.

“Herman, sabihin mo na sa amin kung sino ang tinatakasan natin? Is it the flying zombie?”

“Yes. Para rin siyang si Marga noon. Baliw na baliw sa pag-ibig, handang pumatay.” Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with