Face mask na gawa sa mangga at pipino
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - January 27, 2020 - 12:00am

Sinasabing ang mangga ang ‘hari’ ng mga prutas dahil bukod sa mabibili ito ng buong taon, tambak din ang benepisyo nito sa pagpapaganda dahil ito ay naglalaman ng vitamin A at C na mga anti-cancer antioxidants.

Mayroon din itong collagen na siyang tumutulong na mapanatiling makinis at matibas ang ating kutis. At puwede ito sa iba’t ibang skin types.

Bukod sa pagkain ay puwedeng-puwede ring ipahid ang mangga nang direkta sa mukha tulad na lamang ng paggawa ng face mask.

Simulan ito sa pagkuha ng laman ng manggang hinog (siguraduhing hindi kunin iyong parte na malapit sa balat dahil maaaring mairita ang inyong kutis).

Pagkatapos nito ay maghanda ng luto nang oatmeal.

Pagsamahin ang mangga, oatmeal at maghalo lamang ng isang kutsarang honey.

Puwede ring maglagay ng lemon juice at zest. Kung sawa na sa recipe na ito ay puwede rin naman itong lagyan ng pipino.

Ibabad ito sa mukha ng 15 minuto. I-massage ito in circular motion at saka banlawan.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with