Zombie Family (330)
Gilda Olividado (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

NANGANGARAP na si Leilani. “Magkakaroon tayo ng mara­ming anak, Nikolai! Alam mo bang nabuntis ako, hindi nga lang natuloy. Kasi, iniwan ako ng ama ng aking anak … tinamaan ako ng kidlat at … alam mo na ‘yon.”

Walang sagot si Nikolai, nakatitig lang kay Leilani.

“Nikolai, sabihin mo … I love you, Leilani!”

Narinig iyon ni Nikolai kaya sumunod. “I love you, Leilani.”

“Sabihin mo rin ito … hindi ko na mahal si Laurice.”

“Hindi ko na mahal si Laurice …”

Pumalakpak ang babae. “Yey!”

Pero natigilan siya.

May mga butil ng luha sa sulok ng mga mata ni Nikolai.

“Ano ‘yan? Bakit ka umiiyak, Nikolai? Ano’ng ibig sabihin niyan?”

Hindi sumagot si Nikolai.

Wala siyang dapat sagutin sa tanong ni Leilani. Alam niya kapag galit ito.

Bigla na lang sinampal ni Leilani sa Nikolai.

Walang reaksiyon, flat ang expression ng mukha ng lalaki.

Kahit pa masakit ang sampal.

Pero may mga butil pa rin ng luha sa mga mata.

“Mahal mo pa rin si Laurice kahit ang ganda-ganda ko na? Ha, Nikolai? Haaaa?”

Iyon ang pagkakamali.

Kapag galit na galit pala, bumabalik sa pagka-flying zombie si Leilani.

Umigkas ang dalawang malalaki, itim na itim at mga butas-butas na pakpak.

Ang mukhang napakaamo at napakaganda kanina at makinis din … naging bulok, butas-butas, may mga ugat at laman na nagtutubig.

Pati leeg, mga braso, mga binti … nakakadiri.

Pero hindi apektado si Nikolai.

Halos tulala pa rin, hindi marunong matakot. Pagbaling ni Leilani sa isang bahagi ng barko, kita niya ang itsura.

Napasigaw siya.

Hindi sa takot kundi sa frustration.

Na pumangit siya uli, naging napakapangit na flying zombie siya uli. At ang gusto lang sana niya ay laging napakaganda.

Kaakit-akit sa mga mata ni Nikolai. Pero bakit ganoon, may limitasyon pa rin ang kanyang ganda? Pinaglalaruan lang ba sila ng panginoon ng dilim?

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with