^

Para Malibang

“Bestfriend” na Gustong Makausap ni Mister

Pang-masa

Sa tuwing nag-uusap ang mag-asawa tungkol sa nanay ni misis ay kasunod na ang drama.

Kapag nagsalita si mister sa pagkadismaya sa kanyang biyenan ay defensive naman si misis.

Kung tinitikom ni mister ang kanyang bibig, napapansin naman ni misis ang pagiging tahimik ng asawa.

Walang paglagyan si mister na hindi rin manalo sa argumento.

Sa paglipas ng buwan ay napapansin ni mister na off limits ang topic. Nararamdaman ni mister na parehong lumalayo ang  kanilang kalooban sa isa’t isa.

Sumubok si mister ng bagong style na kinompronta si misis.

Pinaalala ni mister sa asawa na siya ang bestfriend nito, pero hindi rin niyang nakakalimutan na ito rin ang kanyang misis.

Inamin ni mister na minsan ay may gusto siyang sabihin sa kanyang bestfriend na hindi niya masabi sa kanyang misis.

Hiling ni mister na kung maaari ay maging kaibigan lang ito muna minsan at hindi maging misis. Naintriga si wifey na pumayag. Inamin ni mister nababaliw siya sa nanay ng kanyang misis at marami pang ibang kuwento.

Pagkatapos magpaliwanag si mister ay asiwang tumahimik ang dalawa. Sumagot ang babae at saka sila nagpaliwanagan.

Pagkatapos ng pag-uusap ay gumaan ang bigat ng kalooban ng mag-asawa.

Hindi pa rin nagbago ang kanilang sitwasyon, pero natutunan ng mag-asawa na mag-usap nang hindi nag-aaway. Sapat na kay mister na maintindihan siya ng kanyang misis.

Maaaring weirdo sa umpisa, pero ang technique ay paghahanda na marinig ang mahirap na sitwasyon. Nagbi-build up ng friendship, nagkakaroon ng ibang idea, at natutulungan na maghinay-hinay na makinig at huwag magalit.

Sa susunod na kailangang mag-usap sa isang mahirap na sitwasyon, subukan na hingin ang permiso na makausap muna ang version ng  “bestfriend” sa halip ng iyong asawa.

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with