Epektibong Meeting ng Pamilya
(Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

May mga guidelines para maging epektibo ang family meetings.

Gawing priority ang meeting. Dapat ay mangyari ito ng regular at predictable ang oras na puwedeng tuwing Biyernes ng gabi o first Sunday ng buwan. Huwag hayaan ang mga distraction ay maging hadlang sa proseso ng commitment. Pagtibayin at mag-stick sa limit ng oras.

Laging simulan ang bawat meeting na may compliments at words of appreciation yung talagang genuine na walang halong pambobola. I-post na ang agenda na puwedeng idikit sa refrigerator at encourage ang lahat na mag-contribute sa listahan. Siguraduhin ang bawat item ay napag-uusapan at equal ang consideration sa mga concern.

I-rotate ang mga leaders para ang bata ay may turn din lalo na ang mga teenager na gusto nila na kapag sila ang in charge sa isang task.

I-honor ang feelings at opinyon ng iba. Gamitin ang listening skills at magsalita ng may respeto. Huwag payagan ang meetings ay maging gripe session na pagsisimulan ng tampuhan o away. Sa halip ay unahin na maintindihan muna ang lahat ng sides ng pamilya.

I-work out na maghanap ng solusyon sa problema. Magkaroon ng brainstorming hanggang maaari para sa posibleng solusyon at consequences kapag hindi natupad ang agreement. Ito ay upang makatulong sa bawat isa na magkaroon din ng accountable sa problema at solution. Upang maging malinaw ang mga inaasahan na mapayagan ang lahat na maranasan na magkaisa o ma-work out ang anomang posibleng gusot sa problema.

Sa bandang huli, upang matutunan ng mga anak ang kahalagahan ng pamilya. Mapag-usapan ang mga bagay na dapat malinawan maging seryoso o hindi man ang delikadong isyu.

Sa pagtatapos ng meeting ay gawing enjoyable ang activity. Puwedeng magkaroon ng mini-family group, pero may nakahanda nang ice cream o miryenda habang naglalaro ng board games o ibang activities na nakawiwili sa pamilya.

FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with