Babae nagtamo ng 40 na tahi sa mukha matapos ngatngatin ng alagang aso!
GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Ang aso ay tinaguriang man’s best friend, at maaasahan sila sa lahat ng pagkakataon. Pero dahil sila ay hayop lamang, hindi natin kalkulado ang kanilang mga galaw. Maaari pa rin silang sumpungin at makalimutan ang pagiging malambing, katulad na lang ng sinapit ng 17-year-old na si Lara Sanson mula Tucumán, Argentina mula sa aso niyang si Kenai na isang German Shepherd.

Nagpapa-picture lamang noon si Sanson sa kanyang alaga nang bigla nitong ibinuka ang mala­king bibig sabay kagat sa kanyang mukha.

Hindi niya raw alam ang nangyari kung bakit biglang nawala sa sarili si Kenai. Marahil daw ay may nahawakan siyang masakit sa katawan nito na hindi nagustuhan ng aso.

“I do not know if I touched its hip or if it reacted like this because it is old, or it was because I hugged it and scared it.”

Nagtamo si Sanson ng 40 stitches sa kanyang mukha kung saan sumailalim siya sa dalawang oras na operasyon. Kinailangan din siyang operahan sa loob ng bibig dahil na-injured din ang kanyang gilagid.

Dapat ay patutulugin na ng permanente ang asong si Kenai, pero tinutulan ito ni Sanson. Hindi naman daw iyon sadya at walang alam ang nasabing aso.

Ayon naman sa local vet na kanilang nakausap, bata pa raw ang aso at nag-uumpisa pa lang na tubuan ng pangil. Nanggigil lang daw ito siguro.

“Its pains are growing and pain could have gene­rated this reaction.”

BABAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with