Positibong Pananaw
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - January 10, 2020 - 12:00am

Ang mental health ay importante upang maka-recover ang indibidwal sa depression. Kung pananatilihin ang positibong pananaw ay mababawasan ang panganib ng depression. Ang pag-iisip at emosyon ay malaking role upang mapigilan ang anxiety. Piliin na simulan ang bagong taon na mayroong positive outlook sa pagkakaroon ng conscious effort na tingnan ang bright side ng problema. Kausapin ang support member kapag may hindi magandang mangyayaring problema. Importante na mailabas ang negatibong iniisip, upang matulungan na mabalanse ang isyu.

Imbes na magpokus sa problema, bakit hindi iba­ling ang sarili sa pagtulong sa iba. Isa sa best na paraan upang ma-boost ang sariling mood  ay pagaanin din ang kalooban ng iba. Maaaring mag-volunteer o ibalik ang kabutihan sa kapwa. Ang pagtulong ay  nagkakaroon ng sense of purpose na nagreresulta ng malaking pagkakaiba sa buhay.

MENTAL HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with