Bagong Memories ng 2020
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

Kadalasan ang ginagawang New Year’s Resolution ay nabibigo at hindi man lang umabot ng January 31. Karaniwang goals ay magbawas ng timbang, hindi na magbabayad sa cell phone sa paglalaro o pakikipag-chat man lang, at iba pang gustong baguhin sa sarili.

Sa lahat ng magagandang bagay na gustong simulan ay huwag kalimutan kung paano ito gagawin na dapat ay malapit sa katotohanan. Sa malas, marami pang naiwan na pagkain noong Pasko at Bagong Taon.

Hindi rin maiwan ang account ng nilalarong video games gaya ng Mobile Legend dahil kumpleto ang barkada na ikaw pa man ang hero ng grupo na magaling para tumaas ang level nila.

Kaya bago pa matapos ang buwan ng Enero ay doble na ang timbang. Puro chocolates pa ang dara­ting na Valentine’s Day. Hook pa rin sa ML. Nahihiya at nakokonsenya na agad na hindi man makausad na abutin ang iyong task.

Hindi sa ayaw na mas maging maayos ang sarili, pero sa halip na bigyan ang sarili ng listahan ng resolutions gaya na maging better husband, wife, o student ay magpokus sa “anti-resolutions” na ibig sabihin ay gawin ang mga bagay na tama.

Tulad ng kapag dinner time ay dapat sama-sama sa kainan. Umastang adult na pag-usapan ang mga problema kaysa mauna ang reklamo. I-practice ang pagpapatawad sa halip na magtanim ng galit at iba pa.

Imbes na listahan ng resolutions ay gumawa ng bagong memories kasama ang anak at asawa na bilang team ng pamilya kung paano haharapin ang problema. ngayong taon.

NEW YEARS RESOLUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with