Seafood sinigang
BURP - Koko (Pang-masa) - December 16, 2019 - 12:00am

Simple lamang lutuin ang seafood sinigang. Sa dish na ito, makakapili kayo ng mga ingredient na gusto niyo. Perfect din itong i-serve sa malamig na panahon kasama ang paborito ninyong mga gulay tulad ng mustasa, okra, sitaw at kangkong.

Ingredients

½ kilo ng fish steak slices

½ kilo ng sugpo

¼ kilo fresh tahong sinigang na may miso mix

mustasa

okra

sitaw

siling pang sigang

hugas bigas

kamatis

sibuyas

patis

Paraan ng pagluluto:

Pakuluan ang hugas bigas.

Ilagay ang sibuyas at kamatis, pakuluan sa loob ng limang minuto.

Sunod na ilagay ang isda, kapag kumulo na, isunod naman ang hipon at tahong.

Kapag nagbago na ang kulay ng hipon at bumukas ang tahong, pwede nang timplahan ng patis at ilagay ang sinigang mix.

Ilagay ang mga gulay, pakuluan ng dalawang minuto, at i-serve agad. Burp!

SEAFOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with