^

Para Malibang

Toucans

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Nasa 40 ang bilang ng mga species ng Ramphastidae na kinabibilangan ng toucans, toucanets at aracaris.

Nabubuhay ang mga toucan sa tropical at sub-tropical jungle regions. Native sila sa southern Mexico in Central America, northern areas of South America at sa Caribbean region.

Kilala ang ibon na ito sa kanilang napakalaking tuka na umaabot ng eight inches (20 cm) para sa kanilang body size na 25 inches (63.5 cm). Kahit malaki ang sukat ng kanilang tuka, magaan lamang ito dahil gawa ito sa keratin (tulad ng ating buhok). Pinaniniwalaang nakatutulong ang malaking tuka nito para mapanatili silang malamig sa mainit na climate.

‘Di tulad ng ibang ibon, hindi nila ginagamit ang kanilang tuka sa paghuhukay at pakikipaglaban dahil nga magaan lamang ito.

Maliit lamang ang kanilang mga pakpak kaya naman hindi masyadong malayo ang kanilang nararating. Ilan sa paborito nilang kainin ay mga prutas, insekto at maliliit na butiki.

Ang ibon na ito ang isa sa pinakamaiingay na ibon sa kagubatan. Nabubuhay sila ng hanggang 20 taon at ang kanilang common predators ay ang mga jaguar at iba pang malalaking cats.

vuukle comment

TOUCANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with