Zombie Family (289)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

NAWALA kay Lau­rice ang pag-asang magkakatuluyan sila ni Nikolai. “Itong nangyari kay Leilani, iba ang tama sa akin, Nikolai. Masyadong personal sa akin. I don’t want to get annulled and get married again and be happy.”

“Bakit naman? Hindi ko yata maintindihan.”

“Nagkakamatayan na ang mga tao, Nikolai. Ang ugat, pangangaliwa. I’m sorry but I can’t pretend that everything is still okay. At uunahin ko ang kaligayahan ko.”

“Para naman yatang hindi tama.”

“Kung ano ang nararamdaman ko, iyon ang tama. At this time … uunahin ko personal na kaligayahan? Dapat tulung-tulong tayo para mapigil na ang flying zombie.”

“But life should not stop because of one flying zombie, Laurice!”

“For me, sa rami nang naging biktima ng mga zombies, huwag na muna nating unahin ang mga personal nating kaligayahan.”

“Alright, tutulong naman talaga ako para mati­gil na ang Leilaning ito.”

“Glad to hear that. At may isa pa sana akong ipakikiusap.”

“Okay, ano naman ‘yon?”

“Puwede bang … huwag ka na munang pupunta rito sa bahay?”

“But I can’t! Ang usapan namin ni Herman, babantayan ko kayo. Para mapatunayan ko sa kanya na handa kong gawin ang lahat for you and your kids’ safety.”

“Para na ring panga­ngaliwa itong halos dito ka na nakatira.”

“No. I don’t think so. Sa guest room lang ako natutulog. At hindi ka nga nagpapahalik sa akin.”

“That is my decision. Hindi puwedeng hindi ka sumunod.”

Natigilan si Nikolai. Pero umaasa pa rin.

Hindi pa rin maatim na maputol na ang lahat.

“Alright. Kailan ako puwedeng bumalik dito sa pamamahay ninyo?”

“I don’t think you have to. Tapusin na natin ang ano mang koneksiyon natin sa araw na ito.”

Nanlumo muna si Nikolai.

Saka nakaramdam ng sobrang sama ng loob.

“Hindi naman ako masamang tao. And I really love you. Bakit mo naman ako pinaparusahan, Laurice? Ano ba ang kasalanan ko? Na nagmamahal ako sa iyo? At may malasakit ako sa mga anak ninyo ni Herman?”

Naaawa sa binata si Laurice pero disidido na. “Please, just go, Nikolai.”

Catch that zombie, stop him … you have a special skill, kaya mo ‘yon. Ito ang dapat mong unahin, hindi ang pagpapakasal sa akin. Masyadong mababaw.- ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with