Warning signs na depression ng anak
(Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

Mahalagang malaman ang mga warning signs kung ang teenager na anak ay  nakararanas ng depression. Mahirap malaman ang pagbabago ng mood swings ng behavior ng anak. Kaya importante na maging pamilyar sa mga senyales kung mayroong depression na nararanasan ang bagets.

Gaya ng mayroong low self-esteem na bukang bibig ay nahihiya o natatakot na sumali sa mga actitivities.  May withdrawal attitude na ayaw makihabilo sa kanyang mga kaibigan o classmates, at maging sa activities ng pamilya. Walang interest sa anomang bagay. Feeling na walang pag-asa. Laging malungkot. Bumababa ang grades. Maaaring umaalis ng bahay na nakauniporme, pero hindi pala pumapasok. Nagka-cutting ng klase.  Grabe ang pagbabago sa eating habits nito. Puwedeng  konti o sobra ang kain. Minsan ayaw o walang ganang kumain. Nahihiya o nakokonsensya na feeling pabigat sa magulang o pamilya. Walang energy o motivation na gawin ang mga bagay kahit ang simpleng task sa loob ng bahay. Laging pagod at maraming masakit na nararamdaman sa katawan. Malalim at mapungay ang mga mata dahil hindi makatulog o napupuyat. Nag-iisip na mag-suicide o magpakamatay.

Kapag ang iyong anak ay nakararanas ng kumbinasyon ng mga isa sa nabanggit ay  kailangan nito ng professional na tulong. Tulad mula sa Learning Hub o Homeschool Global na pinangungunahan ng mag-asawang sina Mr. Mrs. Villote na mga experts bilang Cognitive Behavior Therapists na puwedeng i-check ang kanilang Facebook page.

DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with