Puno sa balkan, Europe na naglalabas ng tubig, nagmistulang fountain!
RAMPADORA - DC (Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

Para sa mga traveler na naa-appreciate ang lahat ng natural at magagandang bagay, dapat nilang bisitahin ang Montenegro Water Tree sa Balkan, Europe na tiyak na magbibigay sa kanila ng kakaibang experience na minsan lang nila mararanasan sa buong buhay nila.

Ang Montenegro Water Tree ay isang matandang puno ng Mulberry na napapalibutan ng mga damong may maliliit na bulaklak at halaman ng spring. Nasa 100 hanggang 150 taon na ang tanda nito.

At dahil nga sa katandaan, nabiyak na sa gitna ang pinakapuno nito, na siyang nagbigay ng magical phenomenon sa nasabing puno.

Sa tuwing matatapos ang malakas na ulan, binabaha ang mga halamang nakapalibot dito. Kaya naman ang mga sobrang tubig ay napupunta sa puno at umaagos sa pinakabiyak.

Dahil sa pangyayaring ito, nagmukhang fountain ang puno na siyang binibisita ng mga turista.

Matatagpuan ang Water Tree sa village ng Dinoša, at ayon sa mga lokal, wala naman nakapaloob dito na mga paniniwala o mystical folk tails. Simple lang ang punong ito na siyang nagbibigay ng pride and joy sa kanilang bayan.

 

EUROPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with