Merry Christmas
(Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

Halos dalawang linggo na lamang at Pasko na, ang nakalulungkot dahil ang Christmas ay nagiging commercialized na mas mahirap magpokus sa totoong selebrasyon ng totoong kahulugan ng kapaskuhan.

Huwag kalimutan na gawin pa rin ang tradisyon ng tunay na diwa ng Christmas na ang sentro ay ang Panginoong Hesuskristo. Puwedeng imbitahanng pamilya ang mga malulungkot na indibidwal. Maaaring mag-share ng pagkain o konting regalo gaya sa mga balo, senior citizens, batang kalye, at kapus-palad na mga tao na hindi pinalad sa buhay.

Natural na ang magpakita ng kabutihan sa mga kaibigan, kapitbahay, kamag-anak, kaibigan, o mahal sa buhay.

Bakit hindi subukan na kakaibang ipagdiwang ang Pasko na maglingkod sa mas nangangailangan lalo na sa mga pulibing bata o mga taong walang kakayahang ibalik o suklian ang iyong regalo o kabaitan.

Upang buhayin ang totoong tema ng kapaskuhan sa pagbibigay ng aguinaldo, kabaitan, at pagmamahal sa kapwa tao.

MERRY CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with