Babae nakipagsuntukan sa leon para iligtas ang alagang aso!
(Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Isang babaeng hindi pa natutukoy ang nakipambuno sa isang mountain lion para iligtas ang kanyang alagang aso na miniature schnauzer na kagat-kagat ng nasabing wild animal.

Sa kasamaang palad, nabigo siyang tulungan ang pinakamamahal na alaga na si Pumbaa.

“She obviously cared about her dog very much, as all dog owners do.

“She tried to fend the animal off by punching it, elbowing it and tried to pry its jaws open,” kuwento ni Sargeant Keith Eisenhour na nag-imbestiga sa pangyayari.

Ibinahagi ng kapatid ng babae na nagngangalang Brian ang ginawa nito sa mountain lion.

Ayon sa kanya, nagi­sing ang kanyang kapatid ng alas-dos ng umaga dahil papa-ihiin sana nito si Pumbaa, pero pagbukas niya ng pinto, ang bumungad sa kanila ay ang mabangis na leon.

“She jumped on the mountain lion and tried to pry its jaws open to save her dog because she loves her dog so much.”

Ayon naman kay se­cond officer, Commander Adam Darough, nakita nilang nilalapa na ng leon si Pumbaa nang duma­ting sila roon ng kanyang kasamahan.

Bago mangyari ang pag-atake, may una na raw na nabiktima ang leon, isang Havanese dog. Pero hindi katulad ni Pumbaa, nakaligtas ang aso at agad na itinakbo sa veterinary clinic.

 

LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with