Zombie Family (283)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

NANG sumikat na ang araw, dumating na nga ang dalawang helicopters.

Tumapat sa navy ship.

May inilaglag na hanging stairs.

Umakyat ang mga sundalo.

Inalalayang mabuti ang kapitan.

Saka lumipad na sa destination ang dalawang helicopters. Papunta sa isla.

NARINIG ni Herman ang ingay ng makina ng mga helicopters.

Natanaw niya kaagad ang mga sasakyang pang-ere ng military.

“Bakit kaya sila nandirito?” Nag-aalala rin si Herman para sa lahat sa isla.

“Baka may gagawin sila sa atin? Huwag naman sana.”

Hinayaan lang nilang lumapag ang dalawang helicopters. At bumaba na ang mga sundalo. Pati ang kapitan.

Sumalubong agad si Herman.

Nakahanda ang baril ng mga sundalo, alert position ang mga ito.

“Kapitan, ano po ang ibig sabihin nito?”

“Wala kaming intensiyong masama sa inyo, Herman. Nag-alala kami kagabi pa. May nakita sa teleskopyo ang sarhento ko. Papunta rito sa isla. A flying entity. Malaki. Kasinlaki ng tao ang katawan pero nakakatakot ang mga pakpak sa laki, sa lapad.”

“Isang zombie na lumilipad, Kapitan.”

“Sabi ko na nga ba. Ano’ng nangyari? I hope wala siyang nasaktan.”

“Meron ho. Ang ilang body parts na humarang, pumrotekta sa akin. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Mababait ang mga body parts and I stand by that. Kaya sana, wala kayong balak na saktan sila o hindi pakakainin. Masunurin po akong citizen pero lalaban kapag may maling nakikita.”

Ngumiti ang kapitan ng navy. “Alam ko, Herman. But don’t worry. Dahil naparito kami as your protector. Habang walang masamang record ang mga body parts, they are free to live. At poprotektahan pa nga namin kung kinakailangan.” Wala namang palatandaan sa mukha na nagsisinungaling ang kapitan.

“Sige po, naniniwala po ako. Halina kayo sa kubo ko sa gitna ng gubat. Magpapahanda ako ng masagana at masustansiyang pagkain.”

“Salamat, Herman. At may ibibigay naman kaming regalo sa iyo. Tiyak na matutuwa ka.”

“Ano po iyon?” Curious si Herman.

Inilabas na ng kapitan ang bagong celfone na naka-box pa.

Ibinigay kay Herman. “Necessity. Hindi basta regalo lang kaya huwag mong tanggihan.” ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with