Lumang tradisyong pasko, unti-unti nang nawawala
GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Para sa mga Pinoy, kapag pumasok na ang buwan ng Ber ay umpisa na rin ng countdown para sa araw ng Pasko. Makikita na natin ang mga makukulay na Parol na nakasabit na sa bawat kanto ng mga kapitbahay, mga batang may hawak na tambol at lata para mangaroling, pati na rin ang pagkain ng mainit na puto bumbong at bibingka pagkatapos ng simbang gabi.

Ilan lamang yan sa mga tradisyong ginagawa natin taun-taon tuwing sasapit na ang kaarawan ni Hesus. Pero sa paglipas ng panahon, nag-iiba na rin ang mga nakakasanayan.

Narito ang sampung lumang tradisyong hindi na masyadong ginagawa:

• Pagkanta ng Pastorella – mga kantang Latin tulad ng Kyrie (Lord, Have Mercy), Gloria (Glory to God in the Highest), Credo (Apostle’s Creed), Agnus Dei (Lamb of God) na ipinapatugtog tuwing Misa de Gallo na sinasabayan ng instrumentong violin.

• Dia de los Tres Reyes o selebrasyon ng Tatlong Hari – kung sa Europe at Western countries ay may Santa Claus, dito naman sa Pilipinas ay may tatlong hari. Sina Baltasar, Melchor at Gaspar, na nagbibigay daw ng regalo sa mga bata.
Inilalabas daw nila sa kanilang mga kuwarto ang kanilang mga sapatos para roon ilalagay ng tatlong hari ang mga inaasahan nilang regalo kinabukasan imbes na medyas na isinasabit na nakamulatan na ng batang henerasyon ngayon.

• Pahalik – sa pagtatapos ng misa, nakalabas ang imahe ng sanggol na si Hesus, isa-isang pipila ang mga taong nagsimba para humalik sa pisngi at labi nito habang tumutugtog ang kantang Gloria.

• Panunuluyan – isang holiday theatrical tradition kung saan isinasalaysay ang paghahanap ng matutuluyan ng mag-asawang Jose at Maria habang ipinagbubuntis si Hesus. Magbabahay-bahay ang mga gumaganap at magtatanong kung maaari ba silang makituloy hanggang sa makarating sa kanilang destinasyon.

• Pagkain ng Tinubong (Christmas cake ng Ilocos) – kung ang America ay may pudding at fruit cake, ipinagmamalaki naman ng mga Ilocano ang sarili nilang delicacy, ang Tinubong. Gawa ito sa malambot at mabangong kanin na kung tawagin nila ay Diket, na hinahaluan ng asukal at gata, saka ilalagay sa kawayan bago iluto.

• Pagsasabit ng fish lanterns – sanay tayo na hugis star ang mga nakikita nating parol sa mga kalye. Pero sa bayan ng Angeles sa Pampanga, hugis isda raw talaga ang kanilang isinasabit. Simbolo rin daw kasi ito ni Hesus at tumutukoy din ito sa iba’t ibang religious tradition.
Wala nang masyadong nagsasabit nito dahil pumanaw na raw ang pinakahuling gumagawa nito.

• Baca-Baca – imbes na mga batang nangangaroling sa mga kalye, mga batang magagaling kumanta at maga­ling gumamit ng bamboo flutes, trumpeta, hornpipes at shell gongs ang maghahandog ng awit sa inyo.  Nag-umpisa raw ito sa Paracale, Bicol para hindi antukin ang mga bata sa paghihintay ng Noche Buena. Oras na matapos na nila ang pagtugtog, meron silang libreng puto at suman.

• Majigangga festival – mga naglalakihang puppet na may nakakatakot na hitsura. Ipinaparada ito mula December 16 hanggang sa Araw ng Pasko, pero hindi malinaw kung bakit ito ginagawa.

• Maytinis – ang salitang ‘maytinis’ ay mula sa salitang ‘matins’ na ang ibig sabihin ay evening prayers. Kasabay nito, ipinaparada ng mga tao ang mga eksena sa bibliya kung saan pinapalamutian nila ng makukulay na parol at kung anu-ano pa. Ginaganap ito tuwing Christmas eve.

• Kanyong Kawayan – laruan ito ng mga bata pagkatapos ng Pasko, ibig sabihin kasi nito ay magbabagong taon na. kanya-kanya nang pagawa ang mga batang lalaki sa kanilang mga ama.  Gawa ito sa kawayan kung saan ang ginagamit na bala ay bato. Ngayon, ang kanyong kawayan ay mas kilala na bilang boga.

PASKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with