Christmas Tree na Idea ni Misis
(Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

Si misis na obsess sa amoy, feel, at looks ng totoong Christmas trees na talagang ayaw niya ng fake na puno dahil para sa kanya ay walang kapalit ang totoong pine tree. Ang katuwiran ni misis na ang buhay na puno ay simbolo ng Christmas experience. Kaya ang request niya kay mister ay magputol ng pine tree tutal naman ay malapit lamang sila sa kakahuyan ng nasabing puno.

Ang problema ay mababa lamang ang kanilang kesame na hindi kasya ang  mataas na puno, kundi sakto lang ang dapat na height na kasya sa bahay.  Nagpilit pa rin si misis na gusto ay mataas na puno, wala siyang idea kung gaano kalaki ng puno na pinagpilitan ipasok ni mister.  Tumulong si misis na ayusin ang puno na ang ending ay naging Christmas comedy sa haba at laki ng puno na kumain ng space ng kanilang bahay.

Saka lamang naunawaan ni misis na maaari siyang makipag-compromise na kahit ma-miss ang ilang detalye ng totoong Christmas tree. Ang fake na puno ay hindi pala masama, dahil ang ilang choices ay mas may sense na gawin sa halip na ipagpilitan ang kanyang gusto o idea.

Ganundin sa buhay may asawa. Madalas ay nagiging makasarili na gusto ang nakasanayang nostalgia, convenience, o simpleng katigasan ng ulo. Pero kung mag-iisip na unawain ang sitwasyon ay walang mawawala, kundi worthy na i-let go ang ilang isyu na hindi nakatutulong sa buhay mag-asawa.

Ano ba ang maliliit na bagay na pinag-aawayan ng asawa? Pag-isipan na baka puwedeng magkipagkompromiso sa iyong marriage. Ano ang mga bagay na willing na i-give up na makikinabang ang relasyon ninyo ni misis o mister. Manghingi ng sorry at magpatawad saka simulan na magpatawad sa isa’t isa.

CHRISTMAS TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with