_pang-masa
^

Frugal na Holiday Shoppers

PRODUKTIBO (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

Karamihan ay sang-ayon na mas pipiliin na magkaroon ng tahimik na Christmas season sa bahay. Kahit pa kabilang sa malaking pamilya. 

Siyempre isang dahilan ay upang makatipid ng pera kahit pa mayroong pang-shopping. Puwede naman magkaroon ng masayang holiday na hindi kailangang gumastos nang bongga.

Tandaan lamang na huwag matutuksong mag-shopping na walang hawak na listahan na bibilhin. Kahit nga si Santa Claus ay may listahan ng pagbibigyan niya ng regalo. Isang paraan ito upang hindi ma-sidetrack sa gift items na hindi kailangang lalo na kung mahal ang presyo.

Kung may listahan ito ay ayon dapat sa budget para hindi lumampas sa target. Kung may gift lists ay ma-enjoy nga sa pag-shopping nang hindi mag-aalala na maubos ang iyong budget.

Subukan din ang online deals. I-check ang websites, apps, at social media na kilalang online seller na pinagkakatiwalaan na nagbibigay ng maganda at murang sales items.

Mas marami ring mahahanap na bargains sa online.

Hindi na rin kailangang lumabas ng bahay para makipagsiksikan o ma-traffic sa kalye.

SHOPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with