Passion sa negosyo
PRODUKTIBO (Pang-masa) - December 4, 2019 - 12:00am

Ang pinakamalaking problema ng marami ay kung paano magsimula ng goal na gustong gawin sa buhay lalo na kung may passion sa  negosyo.

Kailangan ay buo ang loob na pangatawaan at simulan ang isang bagay.

Ang 100 steps nga naman ay nagsisimula sa unang hakbang. Sibukan na harapin paunti-unti ang problema hanggang hindi namamalayan na naso-solve na ang iyong problema.

Huwag asahan na alam  mo agad ang  sagot  sa lahat ng puwedeng tanong sa isipan sa pagsisimula ng iyong negosyo.

Mag-research ng mga detalyeng kailangan na dapat malaman. Hindi masamang magtanong sa mga experts sa napiling field na negosyo upang magkaroon ng guidance ng mga positibo at negatibong bagay sa business na papasukin.

Nakakatakot magsimula ng isang bagay lalo na ng pagnenegosyo dahil hindi mo alam ang puwedeng mangyari. Pero mas nakalulungkot na hindi mo sinubukan na harapin ang iyong takot para matupad ang pangarap mong negosyo.

NEGOSYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with