^

Para Malibang

Jueteng sa hometown ni Leni, umarangkada na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BUMALIK na ang jueteng sa Naga City, hometown ni Vice Pres. Leni Robredo at mukhang hindi ito kayang sawatain ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. Habang abala si Mam Leni sa pakipagtalastasan sa gobyerno ni President Digong ukol sa urong-sulong na appointment niya bilang anti-drug czarina, nagbukas naman ang jueteng sa Naga City noong Nobyembre 22. Siyempre, hindi na napansin ni Leni ang jueteng subalit bakit hindi kumikilos ang mga bataan ni Gamboa na sina Bicol Regional Director Brig. Gen. Anthony Alcañeses at Col. Felix Servita, ang hepe ng Naga City police laban dito? At higit sa lahat, bakit pumayag si Mayor Nelson Legacion na sumulpot ang jueteng sa siyudad niya? Araguuyyy! Malaking katanungan ang jueteng na sina Legacion, Gamboa, Alcañeses at Servita lang ang may kasagutan. O hayan mga kosa, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi uusbong ang jueteng kapag hindi magkasundo ang mga opisyales ng gobyerno! Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya hindi si Digong o si Leni ang dapat sisihin sa pagbalik ng jueteng sa Naga City kundi ang local officials at PNP! Tumpak!

Kaya naman tumaas ang kilay ng mga kosa ko sa Naga City dahil sa pagsulpot ng jueteng sa siyudad dahil si Legacion ay kilalang anti-illegal gambling advocate. Kasi nga noong vice mayor pa si Legacion, hindi niya pinayagan ang programa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na Small Town Lottery (STL) sa siyudad on moral grounds. Sa katunayan, ang city government, na suportado ng city council, ay nagsampa pa ng kaso para mahinto ang STL operation sa Naga City at hanggang sa ngayon ay buhay pa ito. Anyare Mayor Legacion Sir? Bakit biglang naiba ang ihip ng hangin ng ikaw na ang mayor at pinayagan mo ang jueteng? Araguuyyy! Hak hak hak! Imbes na kumita ang gobyerno sa STL at maparami ang matulungang mahirap eh pansarili na ata ang lakad ni Legacion ‘no mga kosa? Bulag, pipi at bingi kaya si Legacion sa pagbalik ng jueteng sa siyudad?

Para sa kaalaman ni Legacion, ang namamahala ng jueteng sa Naga City ay si alyas Rudy Santos ng Marikina City, samantalang ang head administrator naman ay si Victorios Batalla, alyas Kid. Ang draw court o collection center ng jueteng ni Santos ay nasa Almeda Highway sa Sitio Dalipay sa Bgy. Concepcion. Subalit sa ngayon, nais ng grupo ni Santos na palawakin ang kanilang jueteng operation sa buong Camarines dahil sa ngayon pa lang ay nakikipagnegosasyon na sila sa mga LGUs at police officials ng mga siyudad at munisipalidad. Araguuyyy! Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na si Santos din ang nag-ooperate ng jueteng sa probinsiya ni Albay Gov. Francis Bichara. Totoo ba na si Bichara mismo ang management ng jueteng ni James Ruiz? Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Hala kilos na Gen. Alcañeses Sir at baka ma-relieve ka dahil sa hindi mo pagsunod ng “no take” policy ni Gamboa. Abangan!

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with