^

Para Malibang

9-anyos na batang lalaki, pinakabatang ga-graduate ng kolehiyo!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ang nine years old na si Laurent Simons ngayon ang nakatakdang humawak ng record ng ‘youngest people in the world to graduate from a university’.

Para sa kanyang mga guro at kaeskuwela, genius diumano ito.

Sa panahon ngayon na kung saan mas binibigyang prayoridad ng mga kabataan ang social media kesa sa pag-aaral, naiiba si Simons.

At talaga namang may kakaiba siyang dating.
Sa isang gabi lamang na sumubok siya ng Instagram, instant 13,000 agad ang kanyang followers.

Si Simon, na ipina­nganak sa Ostende, Belgium, ay kasalukuyang kumukuha ng kursong electrical engineering sa isang unibersidad sa Netherlands. Una siyang pumasok dito noong siya ay eight years old at natapos niya ang kanyang three-year program sa loob lamang ng 10 buwan.

Nag-umpisa siyang mag-aral sa primary school noong siya ay four years old at six years old naman siya nang mag-high school.

“Laurent’s absorption capacity is very high, which means that everything goes much faster, and we can cover a lot more material in a short span of time,”  pagbabahagi ni Peter Baltus, isang professor at mentor ni Simons.
“It’s been quite special and enjoyable.”

Isang spokeswoman mula sa pinag-aaralan nitong unibersidad ang nagkumpirma na nasa list na ito ng mga ga-graduate bago matapos ang taon.

Ganunpaman, hindi maiiwasang may mangkuwestyon dito.

Maraming nagsasabi na ordinaryong bata lang si Simons na walang ibang alam gawin kung hindi maglaro at mag-cell phone, pero ang totoong libangan ni Simons ay manood ng mga TV series.

At ang IQ nito ay nasa 145 ayon sa kanyang ama.

vuukle comment

LAURENT SIMONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with