Zombie Family (260)
Gilda Olividado (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

PALAPIT nang palapit si Nikolai. Sa mga kamay ng dalawang teenagers na naglalaway na sa kanya.

Tulog na tulog pa rin siya, sleep walking.

Ang mga nadaanang body parts na mga nakatayo, nakaupo, nakahiga, ay mga tulog pa rin.

Noong mahahawakan na ng dalawang teenagers ang mga kamay ni Nikolai, may  humila sa kanya.

“Jesus!”

Saka lang nagising si Nikolai nang hawak na siya ni Herman.

Ang nagligtas sa kanya.

“Nikolai! Muntik ka na sa mga anak ko! You were sleepwalking!”

“N-nakarating na pala ako rito …”

“Paano mo siya napuntahan? Alam mo na ba ito?”

Pumupungas-pungas pa ang mayamang binata. “Ito ang ipinagdiinan mo sa akin na huwag puntahan so naisip ko nandirito ang mga anak mo. Takot kang makain nila ako  kaya ipinagbawal mo ang lugar na ito sa akin.”

“Pero ito naman pala ang pupuntahan mo kapag nag-ii-sleep walking ka.”

“The desire of my mind, dahil curious nga ako sa lugar na pinagtataguan mo sa mga anak mo, iyon ang humila sa akin papunta rito.”

“Grabe naman ‘yang kondisyon mo! Kelan ka pa ba nagkakaganyan?”

“Since childhood. Pero bihira namang sumumpong. Muntik na akong mahulog from the rooftop of the building. Dahil din nag-sleepwalk ako.”

“Buti na lang … oh, my God … I can’t forgive myself kung nakain ka na ng mga anak ko! You know they are innocent. Hindi nila gustong kumain ng tao but zombie pa nga sila so they can’t stop themselves.”

Nanlumo rin si Nikolai. “I’m very sorry. My fault.”

Huminahon na rin si Herman. “My fault, too. Pinapatagal pa kasi kita rito. Siguro kung nag-decide agad ako tungkol sa annulment hindi ka na nanganib kasi nakabalik ka nasana kaagad sa Manila.’

“It’s okay, Herman. Walang dapat sisihin. Sana tuluyan nang guma­ling ang mga anak mo. Alam kong mababait silang bata.”

Pero hindi maiwa­san ni Nikolai ang mapa­tingin sa dalawang teenagers. Galit na galit ang mga ito sa kanya. Pinagbabalya ang mga rehas na kahoy.

Sobrang lakas.

Nabigla na lamang silang dalawa ni Herman nang bumigay nang buo ang mga rehas ng kahoy. Bumagsak. Makakalabas na ang dalawang teenagers na zombie.

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with