Personal na transformation
(Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Kapag pinag-uusapan ang personal na transformation maging ito ay financial na aspeto na kung paano i-handle ang budget ng pamilya, importante ang pagbabago.

Puwedeng nakakatakot na isipan lalo na kung kaila­ngang baguhin ang lifestyle. Mababawasan na ang pagtaya ng bingo, lotto, pag-shopping sa online, at pagbili ng mga abubot sa katawan na hindi naman kailangan.

Hindi kailangan parusahan ang sarili na todo tipid. Kailangan lamang magkaroon ng mantra na magiging gabay sa iyong desisyon at pag-iisip.

Hamunin ang sarili na nagpo-promote ng positibong pananaw na nagpapaalala sa iyo kung ano ang importanteng gastusin.

Kailangang mag-create ng budget na ayon lamang sa sapat na kinikita. Mag-set ng financial goal na makaahon sa utang. Lalo na ngayon maraming amnesty gaya ng land, building, at ibang loan. Samantalahin na bayaran ang utang sa mas mababang percent na inoper ng gobyerno.

Kontrolin din ang gastos ng pamilya. Maging ito ay sa pagkain, items sa bahay, at mga gastusin na hindi kailangan.

Kung may balak na mag-travel mas mainam na mag-book ng advance gaya ng isang taon dahil mas mura ang airfare.

Kaya i-check agad ang mga bakasyon sa mga da­ra­ting na holidays sa susunod na taon.

Tandaan, hindi sa lahat ng oras ay malakas, kaya kailangang magtipid, mag-ipon, hanggang kaya.

Para sa kinabukasan ay may madudukot.

FINANCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with