Zombie Family (259)
Gilda Olividado (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

May mangilan-ngilang damit din na ginagamit ng dalawang teenagers, may tsinelas, may sapatos.

Hindi magkapareho. Iba-ibang klase pero nagagamit.

Dahil nga na-retrieve lang mula sa dagat.

Biglang nagising ang mga teenagers dahil may naamoy silang masarap na masarap.

“Kuya! Ang kakaibang sarap na amoy!”

“Oo nga! At ang lapit niya!”

“Tiyak na tao siya!”

“May tao ngang naligaw dito sa isla, bukod kay Daddy! Tinanong natin si Daddy pero ayaw niyang aminin, ‘di ba?”

“Tinatago niya sa atin! Ang sama ni Daddy! Ngayon ang masarap na pagkain na ang lumalapit sa atin!” Dahil biglang nakadama ng kakaibang gutom na na-trigger ng pagkaamoy nila kay Nikolai, naging zombie ang itsura ng dalawang teenagers.

Lumalim at umitim ang mga mata, humaba ang dila, tumulo ang mga laway. Humaba at tumalas din  ang mga ngipin.

Nandidito na si Nikolai, mga ilang dipa na lamang mula sa kulu­ngan-tinitirhan ng dalawang teenager.

Patuloy sa pagsi-sleepwalk. Dinaanan lang ang mga body parts ni Marga na tulog pa rin.

Natatanaw na siya ng dalawang teenagers.

Halos nagtatatalon ang mga ito sa tuwa.

Malapit na lang at mahahawakan na nila ang pinakamasarap na pagkain na nami-miss nila.

Ibang-iba ang kar­ne ng tao sa karne ng pugitang inasnan na pinagtitiyagaan lang nila araw-araw para lang huwag magutom.

Ilang hakbang na lang at ang extended na mga braso at kamay ni Nikolai ay masasagpang na nila.

Kaya nilang ubusin ang mga kamay pati mga buto nito sa ilang segundo lamang.

ANG lakas ng sigaw ni Laurice. Narinig ng kanyang mga anak kaya tumakbo ang mga ito sa kanyang silid.

“Mommy, bakit?”

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with