Zombie Family (258)
Gilda Olividado (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

PINAGBIGYAN nga si Nikolai ni Herman. Hina­yaang mamasyal mag-isa sa isla.

May isang lugar lamang na sinabihan siyang huwag puntahan.

Naisip ni Nikolai na baka nandidito ang mga anak ni Herman kay Marga.

Hindi naman niya gustong suwayin ang sinabi ni Herman, nirespeto niya ito.

Mga hating gabi na nang makatulog si Nikolai sa kubo na pinagagamit sa kanya ni Herman.

Nang sumumpong ang kanyang “sakit” na paminsan-minsan lang naman kung mangyari.

May sleep walking disorder siya.

Tulog na lumalakad. At napupuntahan niya ang isang lugar na kapag gising ay parang nagmarka na sa kanyang utak.

Siguro dahil nga ipinagbawal sa kanya ni Herman ang bahaging iyon ng isla kung saan naroroon ang mga anak ni Herman kay Marga, ito mismo ang pinuntahan ni Nikolai nang mag-sleepwalk siya.

Natutulog din ang mga body parts sa ganitong oras kaya walang nakapansin kay Nikolai na naglalakad na tulog.

Nadaanan pa ni Nikolai ang mga body parts na kung matulog ay iba-iba ng posisyon.

May nakatayo lang, may nakaupo, may nakahigang patihaya at may nakataob din.

Parang gising lang si Nikolai kahit nakapikit. Dahil naiiwasan niya ang mga nakaharang sa kanya kaya walang nagigising na mga body parts.

Sa kanyang sariling kubo, tulog na tulog din si Herman. Pagod dahil sa mahabang taimtim na panalangin sa harap ng malaking krus na itinayo nila ng mga body parts.

Walang kamalay-malay na malapit na si Nikolai sa lugar ng kanyang mga anak na nagiging zombies pa rin.

PARANG nakakulong ang dalawang teenagers pero rehas na kahoy ang pumipigil sa kanilang paglaya.

Tiniyak naman ni Herman na komportab­le ito para sa kanyang mga anak. May lumang kutson na may sapin na na-retrieve ng mga body parts sa dagat.

Mga gamit na nagmula siguro sa lumubog na barko at inanod malapit sa isla. Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with