Kung mas mataas ang libido ni misis
(Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Kadalasan ang mga lalaki ang mas mataas ang libido kaysa sa mga babae. Pero sa 25% ng mag-asawa, ang female ang mayroong mas mataas ang drive pagdating sa usaping sexual desires.

Kaya kapag ang lalaki ay tumanggi sa sex, naaapektuhan higit ang ego ng babae o ang physical needs nito. Napapaisip ang babae kung ano ang mali sa kanya o depresensya. Hindi ba siya attractive? O baka may kinahuhumalingan nang iba si mister? Ano nga ba ang mangyayari sa desire rin ni misis na magpaligaya. Mas masakit ang nararamdaman ng babae kapag siya ay nari-reject.

Nakakaasiwa mang pag-usapan ay kailangang ayusin ito ng mag-asawa. Ang sexuality microcosm ng mundo ay hindi lamang ang pagniniig ng katawan, kundi pati ang mind at spirit. Sa pamamagitan ng physical factors gaya ng medication, hormonal imbalances, radical prostate surgery, obesity, kasama pa ang emotional na isyu na naiimpluwensyahan din ng libido. Bago pa maghinala ng mga typical sex drive ay dapat alamin ang ilang factors ng pag-ayaw sa pakikipagtalik ni mister.

Una ay baka ang overwork na dahilan nang sobrang pagod. Takot sa intimacy na maaaring may pinagdaanan noong bata pa ito. Pagkawala ng masculinity at confidence o baka may problema sa work. Nasasaktan o nalulungkot. Mayroong marital conflict. Boredom. May nakaraang abuse o sexual history. Galit o wala sa mood. Nag-aalala patungkol sa sexual performance.

Ayon sa sex therapist, kapag mataas ang sexual-desire ng asawa, pero wala namang gana si mister ay huwag agad mag-isip ng negatibong bagay. Pag-usapan muna ang problema na tanggapin at mahalin pa rin si mister unconditionally. Pero huwag din naman magpadala sa takot o anxiety upang  ma-enjoy ang masarap na pagniniig ng mag-asawa na i-schedule para mapaligaya din si misis o mister.

DEPRESENSYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with