Ano ang katabi ng iyong Opisina o Tindahan?
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

Negative energy ang ibinibigay ng mga sumusunod na lugar: riles ng tren, airport, police station, basurahan, sementeryo, ospital. Kung ang tindahan o opisina ng iyong negosyo ay nasa tabi o katapat ng mga nabanggit, heto ang nararapat na gawin:

1--Kung malapit sa riles ng tren, magdispley ng malaking earthenware (produktong yari sa putik o clay) sa labas ng entrance.

2--Kung malapit sa airport, magdispley sa labas ng entrance ng mabigat na sculpture o gumamit ng mabigat na paperweights (yari sa bato, bakal o crystal) sa iyong mga paperworks.

3--Kung malapit sa istasyon ng pulis o kulungan, gumamit ng kulay peach na may kombinasyong kulay dilaw na pintura o anumang dekorasyon sa iyong business establishment.

4--Kung malapit sa basurahan, magtanim ng puno o bulaklak na may matingkad na kulay at may maba­ngong amoy.

5--Kung malapit sa building na maraming maingay na makina, katabi ng sabungan o pinag-oopisinahan ng stock exchange, magdispley sa labas ng entrance ng halamang nasa paso; gumamit ng dark colors or dark wood for wall paneling and furniture.

NEGATIVE ENERGY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with