Positibong mental environment
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Ang sarili mismo ay puwedeng maging wrost enemy sa pamamagitan ng negatibong self-talk at masyadong pagbibigay ng self-critical. Dahil ang simpleng iniisip ay nagiging totoo.

Ang good news ay puwedeng makontrol ang iyong mental environment na kapag binago kung paano mag-isip ay matutunan na patahimikin ang negatibong boses sa isipan.

Maging maingat na huwag gawing big deal ang mga negatibong bagay samantalang nakakaligtaan ang mga positibo na puwedeng mangyari. Ang negatibong pag-iisip ay pinipigilan kang makita o maranasan ang positibong resulta. Kahit pa madalas pa itong mangyari.

Parang mental block na nagsisilbing filter ng positive kundi hinahayaan lang ang negative na nakakasira ng kalooban. Kaya gawin ang best na maging maingat na i-shut down ang panirang negatibong pag-iisip, sa halip ay mas magpokos sa tama at positibong bagay.

MENTAL ENVIRONMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with