^

Mister na naglahong parang bula

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - November 4, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Maganda ang pagsasama namin ng mister ko noon kahit buntis na  ako. Pero nagbago ang lahat nang ipanganak na ang baby namin na isang special child. Nagbago na ang mister ko na hindi matanggap ang anak namin. Ayaw niyang hawakan o ilabas ng bahay ang anak namin. Hanggang hindi na siya umuwi ng bahay. Wala rin siyang paalam na basta na lang naglahong parang bula. Hindi ko na pinagpilitan ang anak ko sa kanya. Ngayon ay solo kong tinataguyod ang anak namin. Gusto ko sanang manghi ng sustento pero nag-alangan ako dahil tinatakwil nga niya anak namin. Ano po ang gagawin ko?  - Alma

Dear Alma,

Tama na huwag nang ipilit sa mister na pangatawanan ang anak mo. Hindi naman ikaw at ang anak mo ang nawalan kundi, ang walang kuwentang mister mo. Hindi naman niya kasalanan kung ano ang kanyang kalagayan ngayon. Pero karapatan ng anak mo na sustentuhan siya ng tatay niya. Puwedeng ilapit sa abogado upang ito ang bahalang magproseso at mag-asikaso ng dapat makuha ng anak mo.

Sumasainyo,

Vanezza

BULA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with