^

Para Malibang

Mainit na bimpo

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Fan na fan ang mga Pinoy ng beauty secrets ng mga Korean. Katunayan, nagkalat na rito sa bansa ang mga Korean store. Nandiyan ang iba’t ibang make up at mayroon ding face mask na nakaka-relax ang mukha.

Kaya namang mapapansin na mukhang bata ang kutis ng mga Korean kumpara sa ibang lahi.

Narito ang ilan sa kanilang beauty hacks:

Mainit na bimpo – Subok na raw ang effectiveness ng mainit na bimbo sa mukha. Gamitin ito sa upward motion at masahihin. Ayon sa isang Korean beauty guru, 70 taon na ang kanyang lola ngunit halos wala pa itong wrinkles o kulubot sa mukha. Ito ay dahil sa palagi nitong paggamit ng mainit na washcloth pang-masahe sa mukha.

Sea salt ­ ­– Simple lang ang ‘recipe’ sa sikat na beauty tips ng mga Koreana, ang salt facial tonic. Kailangan lang ng isang kutsara ng sea salt at isang basong maligamgam na tubig. Haluin ito nang mabuti hanggang sa matunaw ang asin. Gumamit ng bulak at ipahid sa mukha pagkatapos maligo. Naka­tutulong sa paglilinis ng muha ang sea salt. Bukod pa rito, magsasara ang iyong pores kaya tiyak na aaliwas ito. Hindi naman ito puwedeng gamitin kung may sugat.

Soy milk – masasabing isa sa pinakamatandang cosmetic remedies o pampaganda ang soy milk sa Asia. Kakailanganin mo lang ng gauze o gasa na binabad sa soy milk. Ilagay ito sa mukha ng 15-20 minuto. May component ang soy na nakakapagpaganda sa takbo ng sebaceous glands ng balat para magmukhang bata.

vuukle comment

MAINIT NA BIMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with