Public Display of Affection ng mag-asawa
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - October 27, 2019 - 12:00am

Sinopresa ni mister si misis sa school na pinagtuturuan nito. Hindi inaasahan ni misis ang pagdala ng regalo nito na cherry limeade na may extra pang cherry syrup.

Maaring hindi diamond ring o necklace ang dalang regalo ni mister, pero kalat agad ang balita sa buong faculty ang pagbisita ng asawa ni teacher na priceless sa mata ng mga co-teachers nito.

Sa maaliwas na mukha at ngiti  hanggang tainga pa lang ni misis ay winner na si mister. Hindi pa dun natapos. Habang nakatingin ang lahat ay nagpakilala ang lalaki na siya ang mister ni teacher sabay kiss kay misis.

Naghiyawan na naman ang kanyang mga estudyante dahil nila­langgam ang mag-asawa sa ka-sweetan.

Maganda na agad ang score ni mister sa mga office staff at tea­chers ng school. Wish ng isang teacher na may pasalubong din sana sa kanya ang mister nito pagdating ng bahay.

Feeling special naman si misis hindi lang sa kanyang mister kundi pati sa buong campus.

Love naman talaga siya ni mister at special si misis sa puso ng asawa. Masaya si mister na siya ang napangasawa nito. Gustong ipaalam ni mister sa mundo at kay misis kung gaano niya ito kamahal.

Kailangan ba huling ipinaalala sa mga anak na no. 1 si misis sa buhay ni mister. At makita ng mga kapitbahay ang harutan, lambingan, at panaw na halik ng sweet na kapitbahay.

Nakikita ba ng ibang extended family, kaibigan, at ibang tao kung paano akala mo ay la­ging nagliligawan ang mag-asawa.

May ilang bahagi ng mag-asawa na dapat gawing pribado, pero  hindi lahat.

Ang extra cherry syrup ay hindi masama na nagpapakilig sa mag-asawa. Kung kahit super reserve ang asawa, ang public display of affection ay hindi masama minsan. Maging ang romantic na pag-post sa social media ay puwede nang mag-hit sa pag-ani ng click o like.

DISPLAY OF AFFECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with