^

Para Malibang

Zombie Family (239)

Gilda Olividado - Pang-masa

MATAPANG pero kinabahan si Nikolai.

Papunta sa kanya ang pating.

Sinadya niyang bagalan ang paglangoy.

Para lamang siyang nakalutang sa ilalim ng tubig.

Ang pating ay hindi sasagpang kapag hindi maalerto ng kanyang presensya.

Very close nang dumaan sa  kanya ang mapanganib na isda.

SI LAURICE ay hindi makatulog, hindi mapalagay.

Hindi niya makontak si Nikolai. Tinawagan niya ang kanang kamay nito sa negosyo.

Na kaibigan ding malapit.

“Alden, si Nikolai? Hindi ko siya makontak.”

“Ang sabi niya, siya ang kokontak sa akin. Pagkatapos ng kanyang lakad.”

“Alden, I’m sure mapanganib ang kanyang pinuntahan.”

“Ma’m, kilala ko na si Sir. Hindi ko mapakialaman o puwedeng istorbohin ang kanyang mga lakad na importante.”

“Okay.”

Nagdasal na lang siLaurice. “Nikolai, sana God will guide you. This is so dangerous for you. Pagpunta pa lang sa isla, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa iyo.”

SA ISLA, monitored pa rin ni Herman ang kanyang dalawang anak. Natatahimik ang mga ito pagkatapos kumain ng inasnang pugita.

At hindi na masyadong nagrereklamo na kulang sa kanila ang hinahain sa kanila.

“Mga anak, kailangang may ginagawa rito sa isla na kapaki-pakinabang. At ikasisiya rin natin.”

“Like what, Dad?”

“Let’s remember how to pray. How to sing hymns. At ... dahil alam naman nating nanggaling sa inyong ina ang mga body parts please,  be kind to them.”

“Dad, si Mommy nga sila pero parang hindi rin si Mommy. They are all freaks!”

“Sorry, Dad. Ganyan din kasi ang iniisip ko.”

“Alam ko.Hindi naman talaga kaagad nating mayakap ang kakaibang pangyayaring ito. But ... these body parts are tamed. Mababait  sila. Hindi mapanganib. These  body parts are the good side of your mother. Ang transformation niya, I guess, came from a Godly power. Kaya mabubuti silang mga entities.”

“Can you give us time, Dad? Sasanayin muna namin ang mga sarili namin sa mga itsura nila.” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with