Babae nagluwal ng ‘mini sumo wrestler’!
(Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Gulat na gulat ang isang lalaki nang iluwal ng kanyang misis ang kanilang anak na may bigat na 13 pounds (5.9kg) na hindi normal para sa isang sanggol.

Alam ng mag-asa­wang Emma at Daniel Millar mula Mount Warrigal, New South Wales na malaki nga raw ang kanilang anak dahil sa advise na rin ng doktor, pero hindi raw nila inasahan na halos mukhang mini sumo wrestler na raw ito sa bigat.

Ipinanganak ang sanggol na si Remi sa Wollongong Hospital via emergency C-section, at talaga namang nagulat si Emma sa hitsura nito.

“She’s like a mini sumo wrestler. I did expect to have a larger baby as I had gestational diabetes but not this big. At 35 weeks an ultrasound revealed she was about 4kg but we didn’t think she’d grow that much more,” pagbabahagi ni Emma.

 “Willow was a big girl too, but she’s stick thin now so it evens itself out,” dagdag naman ni Daniel.

Agaw-eksena raw madalas si Remi, kahit saan ito magpunta. Lalo na sa tuwing magpapa-check up sila, talagang pinagkakaguluhan siya.

Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa ospital, makakauwi na ang mag-asawa kasama si Remi, pero nang bibihisan na siya, lahat ng mga damit na inihanda ng dalawa para sa anak ay hindi magkasya. Mukhang kakailangan pa nilang bumili ng mas malaking size.

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Emma mula sa kanyang C-section at hindi pa siya pinapayagang magbuhat ng mas mabigat pa sa kanyang anak.

DANIEL MILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with