Homemade wax para sa kili-kili
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Marami sa atin ang napapagod sa pagbubunot ng buhok sa ating mga kili-kili. Ang iba naman ay pinipiling ahitin ito kaya nga lang, pagkalipas ng dalawa at tatlong araw ay agad na itong tumutubo at makati pa.

Sa magkakahiwalay na lagayan, sumukat ng 2 cups ng asukal, 1/4 cup lemon juice at 1/4 cup water. Maaaring mag­lagay ng 1/4 cup honey kung gusto ninyo.

Sa maliit na lutuan ay ilagay lahat ang ingredients at dahan-dahan na pakuluan. Iluto ito ng hanggang 20 ­minutes. Kapag nagkulay brown na ito at uma­bot na ang temperature sa 246 degrees sa candy thermometer, maaari na itong alisin sa lutuan at hayaang lumamig ng konti.

Linising mabuti ang kili-kili at maglagay ng konting baby powder (nakatutulong ito para maalis ang extra oil sa katawan). Ilagay ang wax gamit ang woo­den spoon at patuyuan. Tanggalin ito ng mabilis sa direksyon na tinutubuan ng buhok.

KILI-KILI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with