Zombie Family (237)
Gilda Olividado (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

NAKAHANDA na si Nikolai sa pagtalon. Complete high tech gear na pang-ilalim ng dagat. May oxygen tank, may mekanismo na magpapabilis ng kanyang paglangoy papunta sa isla.

At alam niya na may detector kapag napadaan siya sa magnetic circle ng navy ship.

Kaya siyang ma-detect sa kanyang mekanismo.

At dito ang kritikal.

Kailangan niyang patayin ang mekanismong magpapabilis ng paglangoy niya sa ilalim ng dagat. Magtitiwala na lamang sa manual na paglangoy niya.

Kailangan niya ng lakas. Dapat makarating siya sa dalampasigan ng isla.

Tumalon na siya mula sa matarik na burol.

ANG inasnang higanteng pugita ay nangangalahati na. Tinitipid ni Herman ang pagkain ng mga anak.

“Pugita na nga lang, tipid pa?” Reklamo ng teenager na lalaki.

“Oo nga! Gusto naming mabusog! Kulang ang hinahain ninyo sa amin!” Mas galit ang teenager na babae.

Mahinahon at buong pagmamahal na sumagot si Herman.

“This is for your own good. Kailangan ninyong matuto ng restrain. Kahit pugita lang ‘yan. May buhay pa rin. Kakainin hindi para mabusog hindi para sa pagkagahaman ng pagkain. Ang pagkain will just sustain us.  Para mapanatili ang buhay at may magagawa tayong tama sa ating mundo.”

Natigilan ang mga teenagers. May sundot sa isip at puso nila ang sinabi ng ama.

Lumapit ang body part ni Marga na kamay. May dalang dalawang hinog na mangga.

“Medyo gutom pa rin kayo, hindi ba? Dagdagan ninyo nito.”

“Ayaw namin niyan, e. Wala siyang bango na tulad ng tao, tulad ng pugita.”

“Kaya nga dinidisiplina ang panlasa, e. Ang sistema sa loob ng ating katawan. Puwede silang turuan. At kahit nagkaganyan kayo, kahit ano ang nangyari, kaya ninyo pa ring bumalik sa dati. Kung gugustuhin ninyo.

Tinanggap ng teenager na lalaki ang hinog na mangga.

Ang isa pa, tinanggap naman ng teenager na babae.

Parang hindi pa rin kumbinsido pero napa­patingin na sila sa prutas na tamang-tama lang ang pagkahinog.

“Noong hindi pa kayo naging zombie, natatandaan n’yo ba, mahilig kayo sa prutas na ‘yan. Kaya balikan ninyo sa alaala, kung paano kayo kumain ng mangga.”

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with