Tatay ipinagpalit ang anak sa pagkaadik sa droga
(Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

 

Kalalaya lamang ni tatay mula nang natokhang siya. Pero dalawang linggo lang ay nahuli na naman siya dahil sa paggamit ng droga. Kawawa naman kami ng mga kapatid ko na ipinagpapalit ni tatay sa droga. Hindi na nadala ang tatay ko. Akala ko ay mabubuo na kami ng mga kapatid ko dahil nagkahiwalay kami mula ng makulong si tatay. Nahihiya tuloy ako sa mga classmates ko sa nangyari. Ano po ang gagawin ko? – Belly

Dear Belly,

Wala ka naman kasalanan huwag kang mahiya. Nasa isip lang yan. Lilipas din ang problema at makakalimutan nila. Huwag pansinin ang sasabihin ng ibang tao. Bagkus ay magpokus sa iyong pag-aaral at pagsikapan na makatapos upang mabuo mo rin ang iyong mga kapatid balang araw. Huwag panghinaan ang loob, kundi palakasin din ang iyong mga kapatid na magsasama rin kayo hindi man ngayon ay puwede sa hinaharap.

Sumasainyo,

Vanezza

PAGKAADIK SA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with