Online Affairs ng Asawa
(Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Sa tagal ng panahon ng isang mukha na hindi nakikita ay biglang nag-email o nag-send ng message sa iyong inbox o messenger. Bago pa napigilan ang sarili, ang bilis ng pagtipa sa pag-reply sa kausap ng walang sawang kamustahan.

Napaisip kung safe territory ba ang ginagawa para sa iyong marriage. Tiyak na ‘di madidismaya ang asawa kung inosenteng kinakamusta lang ang ex-girlfriend o ex-boyfriend. May pakialam ba ang asawa kung mini-message ang ka-old friend na obvious ay wala siyang interest? Tigilan na agad ang pag-entertain bago pa ma-send ang message na mas mainam na i-block na ang ka-ex para hindi ka na ma-contact pa. Over ba ang reaction? Kadalasan ganyan lang ang nagsisimula ang lahat sa kamustahan at pakikipag-chat.

Maraming lalaki at babae na walang ibang intensyon sa unang message mula sa nakaraang relasyon. Pero kung mayroong feelings na dati, hindi malayong mabuhay muli ito. Ang pinakaligtas na gawin ay hayaan ang old feelings na manatili sa nakaraan. Dahil baka nakakalimutan din ng iyong asawa na magpasalamat sa iyo na pagsimulan din ng iyong reklamo na ikuwento mo sa iyong “old friend”.

Tigilan ang makipag-friend sa iyong exes sa social media. Dahil baka pagsimulan ng iyong online affair na hindi namamalayan. Protektahan ang relasyon at manatiling faithful sa iyong asawa. Bago pa mag-cross ng linya sa pakikipag-message sa iyong exes na dapat ay ibinaon na sa nakalipas.

ONLINE AFFAIRS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with