9 na Taong-Gulang na Bata Nagpipinta Para sa mga Aso at Pusa
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Pinatotohanan ng isang bata ang kasabihang “Not all heroes wear capes”.

Pinagsama ng Russian boy na si  Pavel Abramov ang dalawa niyang hilig – ang art at pagmamahal sa mga hayop.

Ang naturang young artist mula sa maliit na siyudad Arzamas sa Nizhny Novgorod ay nagpipinta ng maga­gandang portraits ng mga hayop para ibenta pero hindi para sa sa kanya, kundi para sa mga hayop na tinutulungan niya at ng kanyang pamilya.

Binebenta niya ang kanyang mga painting kapalit ang animal food and supplies na kanya namang dino-donate sa isang local shelter.

Sinimulan ni Pavel at ng kanyang inang si Ekaterina Bolshakova ang project na tinawag nilang “Kind Paintbrush” noong nakaraang taon.

Nagsimula ito nang mawalan sila ng aso at dahil dun, nakaisip si Pavel ng paraan para tumulong sa mga aso at pusa sa daan.

Tunay na nakaka-inspire ang kwentong ito ng isang bata na sa murang edad ay naisip na agad ang pagtulong.

ASO AT PUSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with