Late Bloomer na Negosyante
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Walang school o university ang specific na magtuturo kung paano magkaroon ng maraming pera.

Ang mga business school at colleges ay puwedeng magturo ng mga concept at principles, pero wala sa mga ito ang makakapagbigay ng tumpak at mapa kung paano magkaroon ng limpak limpak na pera. 

Maraming mga hakbang na sinusunod para ma-achieve ang financial success. Ang mga tao ay hindi nagiging milyonaryo mula sa kanilang sahod at commissions.

Pero kung may disiplina, tapang, at lakas ng loob na magkaroon ng desisyon sa mga oportunidad ay malapit sa katotohanan na ma-achive ang kanilang goal.

Kailangan lamang mag-set ng goal. Kung magkanong net ang gustong ma-achieve sa loob ng limang taon. Kung paano makakamit ang goal. Kahit pa retired na ay hindi pa huli ang lahat na magplano. Puwedeng maging late bloomer.

Tandaan, madalas ang mga karaniwang tao na may tamang desire at drive ang nagkakamit ng financial success at hindi ang mga may matataas na pinag-aralan.

NEGOSYANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with