Curfew pagdating sa Technology
(Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Wish mo ba na ma-switch off ang iyong isip sa gabi? Pero dahil sa laging “on the go” ang schedule na madalas ay kulang ang pahinga sa magdamag.

Kung gustong magkaroon ng maayos na tulog gabi-gabi, kailangang mag-stick sa schedule ng sleep time. Gaya ng mga baby ay may oras na schedule ng tulog. Kaso tulad din ng sanggol, hindi natin masabi kung anong angkop na routine para sa adult. Kung ano ang nakasanayang paghiga na panatilihin ito para i-fix din ang routine ng pagtulog at upang magkaroon din ng timing ng pagbangon kinabukasan. Kahit pa sabihin weekends dapat regular ang oras ng pagpapahinga.

Sa ganitong paraan ang body clock ay ma-rule out ang pag-set up ng alarm para sa mga darating na araw. Ang regular na exercise at maging active paggi­sing ay mabisang paraan upang maging masarap ang tulog sa gabi. Lalo na kung gagawin ang ehersisyo sa umaga upang ma-recharge ang katawan sa maghapon.

Kung active sa gabi, subukan na tapusin ang trabaho ng apat na oras bago matulog. Upang ma-unwind muna ang katawan na kumalma. Bigyan ang sarili ng curfew pagdating sa technology. Mahirap maiwasan, pero subukan na ilayo ang technology pagpasok sa kuwarto. Upang makapag-relax ang isipan, i-switch ang atensyon sa ibang bagay gaya ng makinig ng soft o mabagal na music hanggang makatulog. Huwag mag-alala, marami pang dapat gawin kinabukasan.

TECHNOLOGY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with