^

Para Malibang

Killer Clown Puwedeng Rentahang Panakot sa mga Sutil na Anak!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ang pananakot sa mga bata para mapasunod ay kuwestiyonableng paraan ng pagpapalaki sa mga anak para sa mga magulang, pero ang ilang pamil­ya sa U.S. ay gumagamit ng ganito.

Nirerentahan nila ang isang sikat na killer clown na si Wrinkles para takutin ang kanilang mga pasaway na anak para magtanda.

Si Wrinkles the clown ay galing diumano sa isang urban legend. Sumikat siya dahil sa kanyang viral videos na lumalabas sa YouTube.Ang isa nga rito ay mapapanood na gumagapang siya sa ilalim ng kama ng isang bata habang natutulog.

Kadalasan siyang makikita na nakasuot ng red at white polkadot suit, black gloves, puting maskara na may eye holes, at kulay puting buhok.

Ayaw iladlad ng gumaganap na Wrinkles ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, pero nagpaunlak siya ng panayam. Ikinuwento kung paano siya nirentahan minsan ng isang nanay para takutin ang 12 years old na anak.

“He was scared of clowns and I showed up across the street from him at the bus stop and he just started crying in front of his friends and ran home.

“His mother called back a few days later and said ‘Thank you!’

“Now when he acts bad, she just has to ask him: ‘Do you want Wrinkles to come back?’”

Ayon pa sa kanya, retired na raw siya at hiwalay sa asawa. Dahil sa pag-iisip na wala naman na siyang gagawin sa buhay, naisipan niyang pagkakitaan ang pagiging si Wrinkles. Inumpisahan niyang magbigay ng business cards at stickers para i-advertise ang kanyang serbisyo. Hindi nagtagal, marami nang tumatawag sa kanya na teenagers, pranksters, at mga magulang para subukan siya.

Samantala, hindi niya ito nakikitang seryosong panghanap-buhay, gusto lamang daw niyang mag-enjoy sa pananakot.

vuukle comment

KILLER CLOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with