Zombie Family (229)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

 TAKBO ang magkapatid na teenagers.

Sinusundan nila ang mabangong amoy na nakakagutom.

Nagbigay-daan ang mga body parts sa pagdating ng magkapatid.

At nakita nila ang pugitang tuluyan nang namatay.

Lumapit pa ang dalawa.

“Patay na siya!”

“Pero ang bango pa rin! Parang halos kasimbango ng karne o katawan ng tao!”

Nag-transform nang husto ang dalawa. Nangitim ang mga mata, tumulis ang mga ngipin, lumawit ang mga dila nila, humaba.

At tumulo ang mga laway.

Agad nilang kinagat ang higanteng pugita.

“Masharrrap!” Halos maduling sa tuwa ang teenager na zombing lalaki.

Hindi naman makapagsalita ang kapatid na babae. Kagat at lunok lang. Nangingitim ang mga bibig nila dahil sa dugo at tinta ng pugita.

Nakalapit na si Herman sa umpukan sa tabing-dagat. “Ano kaya ang nangyayari?”

Nagbigay-daan din sa kanya ang mga body parts.

At nakita niya ang mabilis na pagkain ng mga anak sa creature ng dagat.

“K-Kaya n’yong kumain ng pugita lang? Hindi na kailangang tao ang papatayin at kakainin ninyo?” Hindi niya ma­laman kung matutuwa nang husto dahil naaawa rin naman siya sa patay na pero nilalapa pa ring pugita.

Bilang magulang, natuwa rin naman siyang nagamot na ang gutom ng kanyang mga anak.

“S-sige, mga anak. Okay lang. Kumain kayo nang kumain. Pero … magtira rin kayo para sa susunod na meal. Kaila­ngan may paggalang pa rin sa pagkain. Hindi iyung lumalamon na parang walang kabusugan.” Itututloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with