Kursong pangarap ni nanay
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Pangarap ng nanay ko ang mag-nurse, pero wala silang pang-aral noon. Ngayon college na ako ay tinutupad ko ang dream ng nanay ko kaya naka-enroll ako sa nursing school. Ang problema ay hindi ko ma-enjoy dahil ang gusto kong kurso ay physical therapist. Pero ayaw ko naman madismaya ang nanay ko kung magsi-shift ako. Ano ba ang gagawin ko? – Sofia

Dear Sofia,

Walang masama kung ipagtatapat kay nanay na hindi mo ma-enjoy ang pag-aaral mo. Baka sakaling maintindihan ka niya. Upang hindi masayang ang oras at tuition fees mo. Huwag pilitin ang sarili kung hindi ka masaya. Ang future mo ang  nakataya at hindi ang pangarap ng nanay mo.

Sumasainyo,

Vanezza

NANAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with