^

Power sa pagsasabi ng “no”

(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Noong mga bata pa tayo ay itinuro sa atin ng magulang, teacher, at pulis na magsabi ng “no” sa ibang tao. Pero kung saan ay nawala ang ganyang kataga. Habang nagtatagal sa halip na no, nagsimula nang magsabi ng yes sa lahat ng bagay.  Ang resulta ay nai-stretch ang sarili na akuin ang mga bagay na dumarating na kalaunan ay nag-aatubili, naiinggit, at sumasama ang loob. Ito ay personal at professional na nangyayari na nasosobrahan sa stress na hindi naman kailangan. Pati ang relasyon sa iba at pamilya ay naapektuhan.

Sa walang kapaguran na i-please ang iba, sa kabaliktaran ay nagsisimulang mainis sa maraming tao na kadalasan ay pati ang mahal sa buhay. Sa realidad, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Dahil hindi nagse-set ng makatotohanang expectations, pero umaasang maiintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa isipan, puso, at buhay.

Kung kaya importante na mag-set ng boundaries. Matutunan na magsabi ng NO, na pagdiinan ito. Kailangang gawin kung ano ang tama na kung kailangang tumanggi sa mga humihiling o nag-iimpluwensya sa atin. Tigilan ang paghingi ng paumanhin. Importanteng protektahan ang ating oras at energy para makapag-invest sa mga bagay o taong mahalaga sa atin. Sa simpleng paraan na kung gusto na magtagumpay ay bawasan ang load at stress. Kapag tumigil na ipasan ang sobrang pressure at responsibilidad sa pamamagitan ng pagsasabi ng NO, saka lamang magkakaroon ng kalayaan ang sarili, isipan, at oras na gawin ang gusto na mamuhay hanggang sa buong potential ng buhay.

Ang pag-set ng boundaries ay hindi lamang pagtanggi sa ibang tao. Paraan din ng pag-iwas sa mga tukso at distraction. Ibig sabihin ay bawasan ang sobrang oras sa pag-view sa email, social media, o phone calls, at pakikipagtsismisan na umaagaw ng iyong mahalagang oras at resources. Mag-invest na isipin ang iyong priorities. Oras na maglagay ng boundaries sa iyong buhay ay matitigil na ang tahimik na paghihirap ng kalooban sa rami ng obligasyon. Saan ba dapat magsimula? Walang iba kundi sa iyong sarili.

POWER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with