Kailangan ba ni Misis na hawakan ang ATM o Suweldo ni Mister?
(Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

“Ako ang may hawak ng ATM ng mister ko na ibinigay naman sa akin ng asawa ko. Dahil aminado siya na sa aming dalawa, ako ang marunong humawak ng pera. Kaysa mag-away kami na hindi magkasya ang budget namin ng pamilya, ako ang nagtatago ng ATM.” - Marlyn, Albay

“Hinahayaan ko ang mister ko ang kumuha ng suweldo niya. Pera naman niya yun  basta ako ang tagalista ng mga bayarin at gastusin sa bahay.” - Carla, Masbate

“Nung una ang mister ko ang may hawak ng pera at ATM niya. Pero mula nang mambabae siya, ako na ang nagtago.  Kaysa mapunta pa ang pera sa ibang tao o babae niya, aba kinuha ko na para sa mga kailangan ng mga anak ko.” - Jackie, Rizal

“Pareho kaming may hawak ng ATM pinagawan ako ng mister ng card para makapag-withdraw din ako ng panggastos namin. Para hindi na kailangan hintayin ko pa siyang dumating sa bahay. At least anytime puwede akong mag-withdraw kapag sinabi ng mister ko.” - Lotie, Batangas

ATM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with