Kailangan ba ni Misis na hawakan ang ATM o Suweldo ni Mister?
(Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

“May tiwala ako sa misis ko saka mas magaling talaga siya sakin pagdating sa paghahawak ng pera. Hindi naman issue yun kasi alam naman niya kung magkano ang sinasahod ko.” - Sean, QC

“Depende sa set up ninyong mag-asawa. Kami kasi ng asawa ko, pareho po kaming nagtatrabaho. Kaya kanya-kanya po kami sa pera. May isa lang kaming bank account na dun namin nilalagay ang mga ambag namin para sa bills tulad ng kuryente, tubig, at apartment.” - Jason, Manila

“Noon pa man, ako na ang humahawak ng aking ATM. Hindi naman sa wala akong tiwala kay misis. Mas sanay lang ako na nagbibigay ako sa kanya ng pambayad ng bills at siyempre, ng kanyang pang-shopping pag may extra. Hehehe.” - Mark, Cavite

“Si misis. Siyempre enjoy siya gawin yung mga budgeting na yan. Ganyan ang mga girls, happiness na nila yan kaya dapat ibigay na natin yan sa kanila.” - Leroy, Mindoro

“Mas magaling ako sa pera kaya ako ang humahawak. Aminado naman si misis na medyo magastos siya. Ang sahod niya kanya lang, pero ang sahod ko ay sa amin dalawa. Binibigyan ko siya pambili ng mga panga­ngailangan at bayarin. Okay na siya sa ganun.”- Win, Aklan

ATM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with